Kahalagahan ng wika

  1. Ang wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito.”Ibig ipahiwatig nito na ang wika ay salamin ng lahi. Ang wika ay mga simbolong salita ng mga kaisipan at saloobin. Ito ay isang behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya o palagay sa tulong ng mga salita na maaaring pasalita o pasulat. Ito rin ay kaluluwa ng bansa, pag-iisip ng isang bayan, kumakatawan sa isang malayang pagsasama-sama at sa pagkakaisa ng layunin at damdamin. Ito ay paghahatid ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng mga salitang binibigkas. Ang wika ay isang penomenong pumapaloob at umiiral sa loob ng lipunan at may angking kakayahang makaimpluwensya, magdikta, magturo, tumulong, kumontrol, manakot, pumatay, magpaligaya at lumikha ng isang realidad sa kanyang ispesipikong kakayahan. Ang wika ay maaaring humubog ng ating pananaw pandaigdig (world view). Kung titingnan ang wika bilang isang ideolohiya, maaaring magkaroon ng iba’t ibang pagpapakahulugan, pagtingin, pag-unawa at karanasan dahil may kani-kaniyang posisyon at papel ang indibidwal sa lipunang kanyang ginagalawan at kinabibilangan.Isang disiplinang maituturing ang pag- aaral sa wika sa loob ng lipunan at ito’y kabilang sa mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin at pananaliksik, upang mas malinaw nating mailarawan ang mga kalagayan o katayuan nito para sa ating ikagagaling bilang praktisyoner ng wika.